kadramahan. kalokohan. kakulitan.

April 26th, 2007

nationalistiko dos

 

            Naitanong na rin sa wakas sa isang senator ang matagal nang tanong na bumabagabag sa aking isipan, “bakit gumagastos ang mga politiko ng daang milyong piso sa kampanya, para lang sa posisyong P30,000 isang bwan lang naman ang sweldo?”

 

            Tinanong si Sen. Miriam Defensor-Santiago ng ABS-CBN ng nasabing katanungan. At kanyang iminungkahi na, “dahil mababawi mo, may tubo ka pa!” Oo, dahil maliban sa P120 milyong pork barrel ng isang senador sakanyang anim na taon na termino, meron pa siyang nakukuhang “miscellaneous millions” buwan-buwan. At hindi pa diyan kasama ang sweldo ng isang senador na P30,000. At kapangyarihan.

 

            Congressmen at Senators lang ang may pork barrel. Subalit hindi pwedeng walang ‘lagay’ ang mga lokal na opisyal na nasasakupan ng mga nasabing senador at kongresista. Sa mga pondo pa lang ng mga estraktura, at mga kung ano-ano pang proyekto sa mga probinsya/siyudad, umaabot ng milyon ang ‘kick-back’ ng mga governors, mayors, na nahahati pa ito sa iba pang local public officials.

 

            Kung saka-sakali mang nabalitaan mo na may balak gawing siyudad ang inyong probinsya, humanda ka na. Dahil kapag ito’y natupad, mas malaki ang maipapataw na buwis sa mga taong nakatira dito. At sa pagtaas ng singil ng buwis, gayon din ang pagtaas ng “kita” ng mga tiwaling public officials.

 

            Wag kang magtataka kung may mga proyekto ng gobyernong hindi matapos-tapos sa mga lugar niyo. Dahil estratehiya ito ng tiwaling opisyal sa inyong lugar para taasan pa sa susunod na taon ang kanyang budget.

 

            Sa tipikal na sitwasyon, ang isang tao ay binibigyan ng budget para sa isang taon. Dito niya kinukuha ang gastusin para sa lahat. Gusto man nating maging ‘efficient’ at magtipid, hindi pwede. Bakit kamo? Dahil kapag hindi mo naubos ang budget mo ngayong taon, sa susunod na taon, mas mababa na ang makukuha mo. Dahil kaya mo naman palang mabuhay sa mas maliit na budget. You do the math/logic.

 

            Isipin mo, kung sinasabi ng ating mga politiko na “tumatakbo ako para makatulong sa bayan”, bakit kailangang magpatayan ng magkalabang panig para lang sa nasabing posisyon? Bakit hindi na lang sila magtulungan, total, parehong pagtulong naman sa bayan ang kanilang pakay?

 

            Bakit ganito ang politika sa Pilipinas? Kalian kaya magbabago ang ating mga politiko. At ang mga bagitong politiko, lagi na lang nagiging “TRAPO” (Traditional Politician). Kung sinasabing “role model” ang mga taong ito, bakit sila ang gumagawa ng katiwalian?

 

            Naniniwala naman ako na may mga taong “matitino” na nakaupo sa pwesto. Subalit panigurado’y mangilan-ilan lang ang mga ito. Marami at talamak pa rin ang mga taong umaabuso sa bansa na nakaupo sa pwesto.

Posted by ardeepineda at 06:32 PM | 50 ang nagparamdam

April 17th, 2007

nationalistiko I

 

“bakit kami, hindi naman kami nagnanakaw?”

 

“bago pa natayo ang kalsada dito, dito na kami nakatira!”

 

“dito na lumaki ang mga anak ko.”

 

“dito ho kami kumikita ng pera” [tinutukoy ang maliit na tindahan sa sidewalk]

 

 

 

- Ayan ang mga hinaing ng mga taong na-demolish ang bahay dahil nakaharang sa sidewalk.

 

 

Isa yan sa mga proyekto ng Metro Gwapo ng MMDA; gibain ang mga nakaharang sa sidewalk. Linisin at pagandahin ang Maynila.

 

Kung tutuusin, may katwiran naman ang mga taong nawalan ng tirahan at pagkakakitaan. “Human Rights” nga naman. Hindi dapat sila tinatratong parang mga hayop. Subalit may katwiran din ang MMDA, harang sila sa kalsada. Iskwater sila. Hindi naman nila sariling lupa ang ikinatatayuan ng kanilang bahay. Mga taong taga-probinsya na nagbaka-sakaling makahanap ng masmagandang buhay sa Maynila. Umalis at nakipag-sapalaran.

 

Subalit, anong kinahatnan nila? Dumagdag lang sila sa mga problema ng gobyerno. At kanilang sinisisi ang pamahalaan sa estado ng kanilang buhay.

 

Hindi ako pro-GMA. Subalit sa tingin ko’y mali na isinisisi ng mga maliliit na tao sa gobyerno ang lahat ng nangyayari sa kanilang buhay. Hindi genie ang Presidente para bigyan ng marangyang buhay ang mga mamayanan ng kanyang sinasakupang bansa sa isang iglap. Sabi nga sa isang kanta ni Francis Magalona, “nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.” Anong ginagawa ng mga taong ito para gumanda ang kanilang mga buhay? Uminom? Magsugal? Tumaya sa lotto? Magnakaw? Magrugby? Gumawa ng napakaraming anak at paramihin ang lahi nila?

 

Ayos nga eh. Kung sinong walang pang-gastos, sila pa ang marami kung mag-anak. Sabi nga ng isang kaibigan, “wala kasing magawa sa bahay”. Hindi ba nila kayang bumili ng ‘proteksyon’? mas-prioridad pa nila ang 29-inch colored TV, washing machine, at karaoke. Mas naglalaan pa sila ng pera pambili ng beer at pambili ng yosi.

 

Kung tunay lang silang magsusumikap, hindi na sila dapat pang makipag-sapalaran pa sa Maynila. Napaka-raming oportunidad sa probinsya. Mag-tanim ka lang ay may makakain ka na sa pang araw-araw. Paramihin mo ang iyong tanim, ibenta; instant negosyo na. diskarte at konting abilidad lang ang kailangan.

 

Hanga nga ako sa mga Pinoy dahil napaka-deskarte nating magnakaw, mangdaya, mangurakot, at mangulang. Kung idadaan lang natin ito sa mas positibong gawain, ay makakatulong pa tayo sa ating bayan.

 

Tulad ng sabi ko dati, hindi pa ako nawawalan ng pag-asa sa ating bansa. Naniniwala ako na kaya nating makipag-tagisan sa mas maunlad at mas makapangyarihang mga bansa. Ang kailangan lang talaga natin ay ang paniniwalang makakamtan natin ito.

 

Sabi sa kanta ni Michael Jackson na ‘Man in the Mirror’, “if you want to make the world a better place, take a look at yourself and make that change” Simulan natin sa ating mga sarili ang pagbabago. Simulan natin sa ating mga sarili ang disiplina. Wag magtapon ng sigarilyo, balat ng kendi, ticket ng bus, o ng kung ano mang kalat sa kung saan-saan. Ibulsa mo muna ito at itapon kapag may nakita kang basurahan. Sa isang simpleng bagay na iyon, malaki na ang maitutulong mo sa iyong bansa.

 

 

 

 

Posted by ardeepineda at 08:29 PM | 56 ang nagparamdam

April 12th, 2007

emotions in writing

 

 

 

 

 

I might yet to get over you

Despite the circumstance that fate led us to

But this I tell you from a heart so true

This won’t stop me from loving you

 

 

 

 

 

 

Posted by ardeepineda at 02:22 PM in poems | 75 ang nagparamdam

April 9th, 2007

back 'n bloggin'!

no profound post for now. its just good to be back.

Posted by ardeepineda at 11:00 AM | 50 ang nagparamdam

February 14th, 2007

cold night fantasy

remember one great night? well, this is the sequel =)

 

 

 

Nights cold & blue

Let the fire cure the flu

Moves fiery yet feisty,

Will help alleviate anxiety

 

Headed to a magical place

Where everything's slowly paced

Slowly approaching heaven

I know we can make this happen

 

Little by little as we expose our skin

Faces carved by angels will show their grin

I'll dim the lights, pretty lady

So that grotesque silhouettes stir-up the fantasy

 

Slowly & surely as I caress your body

Hormones will go wild; we'll be lost in reality

Keep in mind that you'll be safe in my arms, Suzie

I stand to protect you; I respect you completely

 

Lascivious emotions won't get the best of me

Decorous attitude will be the key

As heat & sweat emancipate through our pores

I'll be gentle; exerting little force

 

The ritual will be better than a shopping spree

Yes my goddess! Come away with me

I'll be holding you tight after the ceremony

By stroking your hair; I'll keep you company

 

Cold night fantasy

Will be a reality

Just you & me Suzie

Satisfy the curiosity

 

 

Posted by ardeepineda at 03:09 PM in poems | 48 ang nagparamdam

« Newer | »
site powered by tabulas | Back to Top - Home - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links