Pagsusulat
Kamakailan lang ako nahilig sa pagsusulat. Hindi naman talaga ako pala-sulat nung bata ako; kahit nung high school ako. Hindi rin ako mahilig magbasa ng libro noon. Ang mga binabasa ko lang na libro ay ang mga textbooks sa eskwela. Kaya marami pa akong kakainin na bigas kung gusto kong mahasa ang akin kakayanan dito.
Ano ba ang nag tulak sa akin para magsulat? Marahil ay tulong ito ng mga libro ni BobOng. Dahil maliban sa Jack and the Beanstalk, Prince and the Pauper, at iba pang fairy tales and fables, ang “ABNKKBSNPLAko” ni BobOng ang unang librong natapos ko sa mahigit isang libong taon. Mahusay. Magaling na estudyante! Dapat tularan!
Ang payo sa akin ng isang kaibigan, bahala daw ako kung saang lenggwahe ko gusto magsulat. Pwedeng deretsong ingles, pwedeng puro Filipino, pwedeng taglish, at kung may iba ka pang alam gamitin na lenggwahe, mahusay. Kanya-kanyang trip. Kanya-kanyang topak. Kanya-kanyang ka-weirduhan. Nga lang, pag nagsulat ka sa wikang Filipino sa MS word, puro red at green underlines ang iyong makikita. Ganun din pag taglish. Kaya ang aking payo, sa notepad ka na lang gumawa ng draft. Hindi ka pakikielaman nun! Kahit magliw-aliw ka sa bisaya, hieroglyphics, at lahat ng mga charcters sa alt (eg. Alt 369 = ű).
Naisip ko rin na lahat ng mga manunulat ay may kanya-kanyang istilo sa pagsusulat. May mga nakakatawa, nakakatakot, nakakaiyak, cook books, dictionary, encyclopedia, bibliography, pocket books, notebooks, textbooks, religious, self-help, folders & fasteners, pad paper, school supplies, leisure, customer service, at cashier. May mga seryoso, may mga gumagamit ng mga symbolisms, may nag p-personify, may mga bastos, at may mga puro kalokohan lang. marahil doon mapapabilang ang mga gawa ko. Sa mga kalokohan. At eventually, ito’y mageevolve at mapupunta na lang sa mga “Spam”.
Hindi ako kumakain ng spam. Well, nung bata ko, siempre. Pero ngaun, hindi ko na trips ang mga pagkain na maraming preservatives at msg. Nakakasama ito sa ating katawan. (sandali, hindi na ito konnektado sa “pagsusulat”! balik tayo….)
Naisip ko rin, tungkol saan ba ang mga isusulat ko? Saang lenggwahe ko ba ito isusulat? Sinong target market ko? At, may magbabasa ba naman nito maliban sa akin at yung aso, paperclip, bola, puzzle, robot, wizard, pusa, o yun earth na lumalabas sa MS word?
Minsan, magulo pa nga ang pag l-layout ng aking mga ideya. Dahil nga sa baguhan pa lang ako sa pagsusulat; amateur. Sabi ko din nga, marami pa akong bigas na kakainin. Marami pang librong dapat basahin. At marami pang bill ng Meralco na dapat bayarin.
I think that it is because of pity that ‘some people’ read what I write. “aawww… poor kid, let’s read his crap.” Wala akong pakielam. Dahi sa gusto mo man o hindi, once na basahin mo ang gawa ko, “pans” na kita! Waahhoooo!
Hayaan nyo at magiimprove din ang aking pagsusulat. Kapag meron nang “The Flash Returns”. Bakit nga kaya hindi ganun ka-sikat ang ibang Justice Friends? Dahil ba sa hindi na natin kilala ang mga ito? Dahil sa hindi natin sila panhon, dahil panahon pa sila ng ating mga lolo at tatay? Pero kung ako ang tatanungin, gusto ko na meron din silang sariling pelikula. Yung sila naman yun bida. Tiganan mo nga, ano ba ang pinakamabili na superhero costume? Siyempre, hindi agad mawawala si Spiderman; top-grosser yan. Si Bataman. Si Superman. Sa mga babae naman si Darna, este, si Wonder Woman pala. Tapos, si Flash. Ayun! Ayun na siya!!! Yes!!! Maganda din naman kasi ang costume ni Flash. Wala lang maxadong nagbebenta nito sa hindi malamang kadahilanan.
Labo noh? Kung ano-anong pinagsasasabi. Sabi ko naman, kanya-kanyang ka-weirduhan lang yan. May mga nagrrugby, may nagccough syrup, may nagjjutes, may humihit-hit ng racumin at dora, may tumitira ng moth balls, at ang iba naman ay nasobrahan lang sa pagkain ng ice…
Kanya-kanyang trip. Kanya-kanyang ka-weirduhan. Yan ang pagsusulat sa aking pananaw. Kung paano mo naipaparating sa ibang tao ang iyong ka-weirduhan… baw. 
(ito ay nanggaling sa wordpress blog ko. kinopya ko lang. hehe)
Currently listening to: kissing a fool - michael buble
Currently feeling: i miss my labs...