blogging
Nakakatuwa; nakaka-aliw mag blog. Nakakatuwang isipin na kamakailan lang ako napakilala sa bagong mundo na ito. Madalas, hindi ako mapakali kung ano ba dapat ang ipost ko. Ano ba dapat ang isulat ko. Kelan ba ulit ako mag bblog? Anong ippost ko bukas. Haha
iba ang experience kapag naka-kilala ka ng ibang tao sa pamamagitan ng iyong blog site. Dahil dito, you don’t judge the person by their looks (unlike in friendster), you judge them on the content of their blog. Sabi nga ng isang kasabihan “don’t judge a book by its cover.” Marahil sa mundo ng blogging iyon pwede din i-apply. Malalaman mo kung tanga ba sa English ang isang tao. Kung barok ba siya magtagalog o magingles. Kung epektibo ba ang kanyang mga guro sa pagtuturo sa kanya ng grammar, subject-verb agreement, spelling, at kung ano-ano pa. kung baga, mas malalim kahit papaano ang pagka-kilala mo sa ‘stranger’ na yun.
Sa friendster, hindi mo na bubuksan yung webpage niya pag nakita mo na panget ang picture nya (tama ako di ba?). sa friendster, babasahin mo lang ang profile ng isang tao, tititig sa kanyang larawan, at magbabasa ng mga testimonials nya para mas makilala mo siya. But then again, looks can be deceiving. At pwedeng scripted ang testimonials. Ang profile mo naman, ikaw na bahala kung paano mo papagandahin at kung anong pagdodoktor ang gagawin mo para mag muka kang “kaakit-akit”
It’s a different story in blogging. You somewhat get to know the person in-depth. For in blogging, more often than not, people release their inner shits. People tend to be more expressive. Well of course, maliban na lang kung nagpapakitang tao ka nga lang. but in my shit, that’s not the case. Sabi ko nga, hindi ko naman layunin ma-impress ang ibang tao sa mga isinusulat ko. Kung may magbasa, consolation ko na yun; kung may mag comment, para ko nang napanalunan ang grand prize! Yes! May pumansin. May nakielam. May tinamaan at may nagpahayag ng kanyang damdamin sa aking isinulat. Mahusay.
“keep on blogging” ‘ika nga. Dance with the music. Go with the flow. Write what you want to write about. Do what’s best and God will do the rest. Barya lang umaga. Pag sexy libre, pag buntis doble, pag mataba triple! Do not leave your valuables unattended. One way. No u-turn. Makati Ave. Roxas Boulevard. Open 24 hrs a day (except 8am-10am; Break). For indoor and outdoor use only. No duck hunting. Don’t block the driveway. Beware of children. Free bathroom tours. Buy grandma, get grandpa free!
(still miss you dear… love you my labs!)
Currently listening to: falling - keahiwai
Currently feeling: confused
Posted by ardeepineda at 03:08 PM | 15 ang nagparamdam
