kadramahan. kalokohan. kakulitan.

Entries for November, 2006

November 8th, 2006

What zodiac are you? slash; a shoutout

 

** KUNG SINO MAN YUNG UNGAS NA NAGTTYPE NG PANGALAN KO NA MAY  MAXTERSPADE, DUDE, BAKLA KA! TUMIGIL KA SA KALOKOHAN MO! WALANG BASTUSAN. WALA AKONG SINISIRAANG BLOG, KAYA WALA KANG KARAPATAN BABUYIN ANG AKIN. BAKLA KANG TALAGA! HINDI MO MAN LANG MALAGAY ANG TOTOONG PANGALAN MO!! AT KUNG YUN MAN YUNG TOTOONG MAXTERSPADE12PH, PEPS, HINDI KO BINASTOS BLOG MO. WAG KANG MANGBASTOS NG BLOG KO... ONE OF THE SEVEN DEADLY SINS - ENVY...**

 

         

      Interesting… read this: http://www.astrology-online.com/gemini.htm . Yep, I’m one of those Gemini-dudes. What’s written there is so true. To think that I don’t even believe in stuff like those! ‘guess amma start believing now. Haha

 

            Schizophrenic – having dual personalities. I guess I’m schizophrenic. I often times contradict what I say; what I write; most of the time I see both sides of the equation. And why do you think that there is ‘ardeepineda’, and this ‘ralphT’ dude, eh?

 

            I was to write about ‘princesa’ today when Mrs. Café Breton asked me about my birthday. She told me that she never thought that I was a Gemini. She was like, “Gemini’s are good friends, but I wouldn’t marry one. They don’t want to be tied up. They want things done their way. They have conflicting ideas and most of the times contradict themselves. They can argue inside them.” Interesting… to think that while she was saying those things to me, there was like a checklist in my head that automatically checks every box in every category of me. Weird. Written stuff about zodiac signs are indeed true. I never believed in them until today…

 

            And yes, in my next entry, I am to contradict my ‘princesa’-woes of my previous entries… “Another last?” = schizophrenia?

 

 

Posted by ardeepineda at 01:36 PM | 72 ang nagparamdam

November 11th, 2006

isang drama...

 

Pagbigyan ang emosyon

Ipagbunyi ang nararamdaman

Mahirap kapag pinipigilan

Walang pakielamanan.

 

Hindi ko alam kung papaano sisimulan

Hindi ko alam kung tama ba ang drama

Subalit wala naman sigurong tama at mali

sa mga katagang nangagaling sa puso.

 

Kapag iyong larawan ang aking nakikita,

Prang isang tala sa gabing kayganda

Heto’t ako’y muling may drama

Bakit kaya nagiging makata?

 

Aking princesa, nasaan ka na?

Sana’y ako’y naaalala mo pa

Aking sinta na walang maikumpara,

Alam mo naman na ikaw lang talaga ang ‘princesa’

 

Ika’y parating nasa isip

Pero bakit kay pait

Marahil ay ganun lang talaga

Dahil ako ay nagpapaka-tanga

 

Subalit ika’y mahal ko talaga

At walang pwedeng magdikta

Ang aking puso pa rin ang susundin

Ang aking pusong ikaw ay mithiin

 

Alam kong nanjan ka pa rin

Alam ko na ako’y mahal mo rin

Nabihag ko na ang iyong puso

Pero, kailan magdidikit ang ating mga nguso?

 

Aking princesa ako’y sa’yo

Ikaw pa rin ang princesa, yan ang totoo

Matagal man nang huli kang nahipo

Pero alam ko na ang ating mga landas ay muling magtatagpo

 

Posted by ardeepineda at 11:34 AM | 38 ang nagparamdam

November 12th, 2006

take off your old clothes

 

Take off your old clothes

And sport the new

You don’t need to throw them

Just keep them with you

 

Take off your old clothes

And try something new

Find out what material

Best fits you

 

Take off your old clothes

Just try to renew

Go and find something

That wouldn’t make you blue

 

Taking off your old clothes

Is not an easy thing to do

Just wish me luck

And bid me adieu

Posted by ardeepineda at 09:38 PM | 98 ang nagparamdam

November 20th, 2006

Money can't buy me love




I'm not sure if ever you heard the song by Blackstreet entitled "Buy me love". Just in case you haven't heard the song, here are the lyrics:

Buy me love
Money can't buy me love
Buy me love
Money can't buy me love
Buy me love, buy me love

I'll buy you diamond rings my friend
If it makes you feel alright
I'll give you anything my friend
If it makes you feel alright
I'll give you all I've got to give, if you say you love me too
I don't care too much for money
Cause money can't buy me love


You say you don't want no diamond rings
And I'll be satisfied
Tell me if you want these kind of things
That money just can't buy
I may not have, a lot to give
But what I got I'll give to you
I said, I don't care too much for money
Cause money can't buy me love

Buy me love
Money can't buy me love
Buy me love
Money can't buy me love


Buy me love, buy me love


As I've said in my maswerte ka! post, there are a lot of things that I should be thankful for. And don't get me wrong, I am still grateful of even the littlest of things. But then, there are times that I just can't help but wonder, "Why haven't I found 'princesa'?"

I cannot say that I have everything I want; but I have everything that I need. I cannot say that I have everything that money can buy; for the things that I can't buy are the things that I don't really need and can live without. I cannot say that I have everything; what's a prince without a princess? It's like a cake with no icing... nah; it's like a cake with no flour.

I know that I'm still young. I'm not rushing into things. It's just that, you can't blame me that I feel this way...

I'm not implying that someone strip me of what I have. Can't I live in 'luxury' and also love in affluence? I know that I cannot get the best of both worlds, but I don't think that that saying is applicable in these situations. Can someone show me where she is? Can someone lead me to where she is? Can someone tell me who she is?

How can I really say that I'm already over you? When even the littlest of things, remind me of you. How can I really say that I'm already over you? When my whole body palpitates whenever I know that you're just close by, when I see your car; when I see you. How can I really say that I'm already over you? When in fact you're the one who crossed my mind, and triggered me to write this entry... Am I really over you? Will I find someone new? Will I find someone true? Or do I just want to be with you? ... But, I want to move on...

I told you to follow the instructions and not to overdose me with pixie dust! I've done step one; I already took off my clothes. I'm scrubbing now; taking a bath. But I guess, your pixie dust penetrated my skin and is now running through my veins. 'Guess I need a dose of a new antibiotic...


^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^

ate ame , you'll be missed! luvya girl!

Posted by ardeepineda at 10:58 AM | 53 ang nagparamdam

November 21st, 2006

yea!


It's been quite sometime since I last wrote in Filipino...



Tama na muna siguro ang drama. Pagod na rin siguro ako magdrama. But don't get me wrong, hindi mawawala kay 'ardeepineda' ang kadramahan. That's like my 'thing'. Haha! Mag 'hiatus' muna tayo sa kadramahan, para masaya!

If you get to browse through my archives, you'll find out that when I started blogging, I was into 'light-reading' coffee-book type of entries. Something that you read when you're just plain bored. But then, my writing evolved, because I matured.

It's been roughly five months ago when I started blogging... When I started writing nonsense entries that no one really cares about and reads (ok, ok, I'll give credit to maria for she was there with me all throughout. my only reader. Haha! 'Love you maria! ) pero, bakit ako nagblog?

Marahil ay narinig nyo na ito sa akin, 'release shit'. oo, dahil ito ang dahilan kung bakit ako nagblog. Kinailangan ko ng isang outlet; isang outlet kung saan pwede kong sabihin lahat ng aking nararamdaman, lahat ng aking hinanakit, lahat ng aking mga pasakit, lahat ng nilalaman ng aking puso at kung ano man ang gusto kong ilathala at ibahagi sa mundo. Hindi sa wala akong mga kaibigan na pwede kong sabihan at hiritan ng aking mga hinaing at mga problema, hindi lang kasi ako nagkkwento sa lahat ng tao. Piling mga tao lang ang nakakaalam kung anong nangyayri sa isip, sa puso ni 'ardeepineda'. At nang dumating ang panahon na mejo nalalayo ako sa aking mga malalapit na kaibigan na aking nahihiritan, kinailangan ko ng bagong lalabasan. I needed an outlet. Yes, God is one of my outlets, but I needed more. Something more concrete. And I ended up blogging.

I just blog to release shit. wala nang iba. Hindi ko layunin na magpa-impress ng mga tao. Hindi ko layunin na mangolekta ng mga komento sa mga tao. Hindi ko layunin na mapanalunan ang "blog of the week" awards na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung para saan at kung bakit nababaliw ang ibang mga bloggista dito. Nagmamakaawa pa para lang makakuha ng boto. Nagpapasip-sip sa taong may pakana ng awards-thing na 'yun. Kalokohan. After that, what have you proven? Have you touched another life? Did you make a big impact on someone? On the world? B.S...

Sabi ko rin dati sa isa kong post, "kapag may dumalaw sa aking blog, konsolasyon ko na 'yun. At kapag may nagkomento sa aking isinulat, mahusay. Para ko na ring napanalunan ang grand prize!" I made an impact kung baga. Kung hindi ko man siya nainspire, natouch, naka-relate, e at least nakuha ko ang attensyon nya at naisipan nyang magbahagi ng kanyang saloobin sa aking isinulat. Kaya maraming salamat. Pero hindi ako nagmakaawa para lang pansinin ang aking blog. Dahil nga, tulad ng sabi ni prinsesashe , "I blog to express, not to impress". (nga pala, ate, ang tagal mo nang wala! Namiss na kita! Haha ).. at ang sakin naman, "I blog to release shit". walang pakielamanan.

Meron nga akong ipinabasa kay utakGAGO , ang post ko dati tungkol sa friendster at blogging . Na kung bakit hindi na ako nawili sa friendster at tuluyan nang iniwan ito. Masmahusay kasi dito sa bloggosphere. Walang bias. Hindi mo ibabase ang pagtingin mo sa tao sa kanyang picture, profile, dami ng testimonials, dami ng friends at magandang layout. Dahil aminin mo man o hindi, kapag pangit ang picture nya sa friendster, hindi mo na siya i-cclick. What have you proven kung marami kang friends at testimonials??? Sikat ka? E ano ngayon? Bakit hindi ka mag-artista? Mag politiko? B.S...

Nakakatuwa ring isipin na ako'y nakakilala ng mga taong may magagandang kalooban dito sa kamunduhang ito. ang saya! Yey! Haha! Sa aking mga naging kaibigan dito sa bloggosphere, its been a helluva ride so far! Salamat! Words cannot express how I feel. Ang saya talaga. Salamat rin sa parating pagdalaw at pagkommento. Sobrang naapreciate ko ang mga 'yun! At paniguradong matagal pa tayong mag sasama-sama.

Blog on!


Jamie , ate mei , kamote ; sa uulitin!






Takdang aralin:

1. isalin sa wikang Filipino ang salitang "toothpaste"
2. kailan ang pasko sa Alaska?
3. anong klaseng hinayupak si Oscar the Grouch ng Sesame Sreet? E si Grimace ng McDo?
4. kapag tumakbong presidente ng Pilipinas si Manny Pacquiao, ano nang mangyayari sa ating bansa?

Posted by ardeepineda at 04:41 PM | 71 ang nagparamdam

November 24th, 2006

kapanahon kita kapag...

 

          (another entry in Filipino)

 

        Naaliw lang ako kapag ako’y nagbabalik-tanaw nung mga panahon na ako’y bata pa. hindi naman sa matanda na ako ngayon, ngunit, sadyang napaka-saya lang kasi nung mga panahon noong ako’y maliit pa lang. kabataan, masaya; puro laro; walang iniisip na problema…

 

 

Kapanahon kita kapag:

 

 -nanonood ka ng Mightor- at hindi ka ba nagtataka na sa iisang lugar lang siya parati nag-kakalog ng kanyang pamalo kahit nasaan siya? Bigla na lang siyang mag-teteleport sa kweba at doon magkakalog ng pamalo.

 

 -Nanonood ka ng Moby Dick-  oo, yung higanteng balyena na mas magaling pa kay aquaman. Siya yung may kasamang seal at dalawa pang bata na hindi na-uubusan ng oxygen sa ilalim ng tubig. At talagang nararating ng mga batang ‘yon ang pinaka-ilaliman ng dagat. Mahusay.

 

 -Alam mo ang flying house at ang flying book

 

 -Nanonood ka ng “takure”. Pero hindi ‘yun ang title ‘nun. ‘Time Quest’ ang title ng palabas na ‘yun. At sa channel 5 mo ito mapapanood.

 

 -Habang inaabangan mo ang Voltes 5 sa channel 13 ng sabado na 10am ang airing, una mo munang mapapakinggan ang ala-El Shaddai na palabas na ang bukang-bibig ng pastor ay, “gagaling! Gagaling!”

 

 -Laging sumasabog ang mga kalaban ni Voltes 5, kahit tao lang ang kalaban nya. at pare-pareho ang itsura ng pagsabog.


 
 -Ang Daimos at ang Ghost Fighter ay sa channel 13 din. Kasama ang Dragon Ball Z na hindi mo pa rin malaman kung ano ang ending hangang ngayon.

 

 -Bago mag simula ang mga palabas sa channel 13, meron munang sombrero na nagdadaan sa kung anong maze. At tuwang-tuwa ka naman na sinusundan mo ang bawat galaw neto. Tinuturo mo pa sa kaibigan mo kung saan susuot ang lumilipad na sombrero.

 

 -Hindi pa uso ang cable noon. De-galaw pa ang antenna nyo sa bubong. Magsisigawan kayo ng tatay mo, “ok na ba ang reception jan?” … “hindi pa! galaw mo pa ng konti… ayan… ayan… ok na. ok na… ay, teka, nasira naman yung channel two!!!!” at aayusin nanaman ulit ang antenna.

 

 -Wala pa ring remote control ang mga TV noon. De-pihit o de-pindot ang mga channels sa TV. At kung anong numbers lang ang naka-lagay sa TV nyo, yan lang ang channels nyo.

 

 -Tuwing biyernes, inaabangan mo ang Bubble Gang. Tuwang-tuwa ka dito kasi ‘yun lang ang ‘gag show’ noon. At pinaka-aabangan mo ang “Dating Daan” nila Brod Pete, Brod Willie, at Brod Jocel….. Alien???!!!...... ALIEN!!!!!!

 

 -Na-adik ka sa tamagochi. Hindi ka na kumakain, basta lang mapa-kain mo ang tamagochi mo… at mayaman sa tamagochi ang Principal’s office sa school nyo. Puro na-confiscate mula sa mga pasaway na estudyante.

 

 -Mahilig kang mag-tampisaw sa baha noon. Hindi pa uso ang leptospirosis. Wala naman kasing marunong mag-spell at mag-pronounce ‘nun.

 

 -gumagawa kayo ng bangkang papel at ipinapaanod sa baha. Race pa nga kayo minsan ng mga kaibigan mo.

 

 -Kapag hindi naman baha, mga paper airplanes naman ang uso… ang pinaka-magandang paper airplane ay ang “paniki”. Mas kakaiba ang pagtitiklop ng papel nito keysa sa regular na paper airplane…

 

-Isinasabit nyo sa likuran ng inyong ref ang inyong mga sapatos para matuyo.

 

 -May cartoons na parang sound of music. “Von Trap Family singers”. Si maria ang bida dito. At LSS ka sa “Ho-ri-ki-kia, ho-ri-ko-ku” . yan lang ang lyrics ng kanta nila, pero tuwang-tuwa ka na.

 

 -Kilala mo si prinsipe Cedi. Pirate lang yung kornik. Cartoons noon ang palabas na ‘yan.

 

 -Ang palabas na Batman & Robin, may cartoons at may mga totoong tao talaga. Sa mga real-life actors, kapag may fight scene, bigla na lang mag-bblack screen at eto lang ang mga makikita mo:  “Pow! Bang! Klag! Kapow! Bam!” kapag nawala na ang black screen, kita mo na lang na naka-handusay na lang lahat ng mga kalaban nila. Minsan pati si Commissioner Gordon. Hehe

 

 -Marunong kang gumawa ng babols gamit ang sabong panglaba, dahon ng gumamela, tubig at tangkay ng puno ng papaya.

 

 -Sikat ang Sarsi noon. Sarsi pa ang pustahan. Kung low-budget naman, ice tubig na lang.

 

 -Alam mo ang Bionade. Para siyang Gatorade na parang soda. Masarap yun!

 

 -Sikat ka noon kapag naka-punta ka na ng SM. Mayaman ang tingin sa’yo. parang balikbayan.

 

 -Hindi pa pellet gun ang uso, ‘saltik’ pa. madalas kayong manaltik ng mga ibon ng iyong mga kaibigan. Pero wala naman kayong nasasapul. Pinapagalitan lang kayo ng mga kaptibahay kasi nakaka-basag kayo ng bintana.

 

 -Patintero, mataya-taya, agawan base, langit-lupa, tumbang preso, taguan, piko, lutu-lutuan, jolen, at tex. Ayan ang mga usong laro noon. Meron ding, “pepsi, 7up, coca-cola, stop!” na hindi ko alam kung anong kinalaman ng mga softdrinks sa laro na ‘yun.  10-20 o Chinese garter -- Yan naman ang uso sa eskwelahan.

 

 -Kilala mo sila B1 at B2, “naisip mo ba ang naiisip ko B1, sa palagay ko nga B2!... operation… (insert term here)!” at manggugulo sila kina Amy, Lulu, at Morgan. At madalas, si Doding Daga ang may pakana ng kalokohan.

 

 -Dumating ang “super laffin” dito natin yunang nakilala ang comedy ni Vhong Navarro. At talagang sinusubaybayan mo kung anong kalokohan nanaman ang gagawin ni Miong – yung cartoon character nila.

 

 -Nanonood ka ng 5 & up at nang Chikiting patrol. Sa 5&up natin unang nakilala sila Atom Araullo, at si Chyna Ortaleza.

 

 -Siyempre, hindi tayo mawawalan ng super heroes noon. Nawala man ang Justice Friends at si Astroboy, dumating naman sila Machine Man (kasama si Buknoy the fighting ball!), Shaider, Turbo Rangers, Power Rangers, Five Man, Masked Man (lima sila, at kung anong kulay nila, yun ang pangalan nila: Red one, green two… PINK FIVE!). at makakalimutan ba natin si Masked Rider Black? “Rider…… CHANGE!!!” kinakanta pa natin ang mga theme song ng mga palabas na ito kahit hindi natin maintindihan at hindi naman natin alam ang ating mga pinagsasasabi

 

 -Sumikat din noon sila Woody Wood Pecker at si Casper.

 

 -Wala pang DVD, VCD, VHS… Betamax pa at laser disc pa lang ang uso. Hindi pa pwede noon magrewind sa Betamax, masisira. Kaya lahat tayo e may rewinder na hugis-kotse katabi ng Betamax.

 

 -Wala pang audio cd. Cassette Tape pa lang. kaya wala pang mga pirata noon.

 

 -Sikat ang bandang Eraserheads noon at ang album nila na ‘Cutterpillow’ na halos lahat ng kanta ng album na ‘yun ay nag hit. Oo, kasama sa album na ‘yun ang “ang huling el bimbo”

 

 -Nanonood ka rin ng Teenage Mutant Ninja Turtles at ng Ghostbusters! “who ‘you ‘gonna call? GHOSTBUSTERS!!!!!”

 

 -May naglalako sa kalye nyo ng pabunot. Piso lang ‘yun. Pwede kang manalo ng gameboy, brick game na 10,000 in 1, kornik, plastic balloon, kinulayang sisiw, at marami pang iba! PISO lang! ayos diba? Pero wala naman talagang nananalo dito. Kahit plastic balloon, gumastos ka na ng bente pesos, hindi mo pa rin mapanalunan. Mas mabuti pang bumili ka na lang sa tindahan ni aling bebang ng plastic balloon, P1.50 lang dun.

 

 -Gusto mo noon ng Swiss Knife dahil idol mo si McGuyver. Mas idol mo si McGuyver keysa kay Superman.

 

 -Magkakasunod ang Doogie Houser M.D., Baywatch, at ang Beverly Hills 90210 sa channel 2.

 

 -Sinasabihan ka ng mga matatanda na wag magpapagabi sa paglalaro, dahil sa gabi daw naglalaro ang mga engkanto at dwende. Pero ang totoo nito ay ayaw lang nila magpagabi ka, ayaw pang sabihin ng deretso. Kailangan talaga tinatakot ka muna.

 

 -Ang mga sikat na “theme parks” na pang bata noon ay ang StarCity, Boom na Boom, at ang Big Bang sa Alabang.

 

 -May mga regular na periya din sa mga lugar niyo kapag piyesta. Maraming mga booth. May booth kung saan pwede kang tumaya sa mga kulay, at mananalo ka ng batya, timba, tabo, baso, at chippy. May booth kung saan pwede kang mamaril ng mga plastic soldiers. Kung ilan ang nabaril mo, ganun ka-raming stork ang mapapanalunan mo. May booth din kung saan doon mo makikita ang mga “freaks of nature”, ang mga tulad ni mahal at tulad ni diego ng bubble gang.

 

 -Gumagawa kayo ng sarili nyong saranggola, na gawa sa diyaryo, at walis ting-ting.

 

 -Maswerte pa ako at naabutan ko ang mga drama sa radyo. “Berting, kukunin ko ngayon ang kutsilyo na nakapatong sa lamesa…. Ayan, nakuha ko na… sasaksakin na kita… ayan sinasaksak na kita” “ugh! Nasasaksak mo na ako… ang daming dugo… konti-konti na akong nawawalan ng malay… ayan, mamatay na akooooooo…..”

 

 -At siyempre, hindi mawawala ang naglalako ng taho, puto’t kutsinta sa umaga; lumpia, turon, banana q, ng mga alas dos hanggang mga 3:30 ng hapon, at si manong fishball at iskrambol sa hapon. Sa weekends naman ay may mga naglalako ng papag, pang hasa, at ang bakang may hila-hila na maraming kung ano-anong gamit pang bahay.

 

 - sa mga may pera naman, merong G.I. Joe, Lego at Family Computer. sino 'bang hindi makakalimot kay Mario, sa Battle City, sa Duck Hunt, at sa mga 1000 in one?!

 

 - Nanonood ka rin ng Transformers

 

 - at bumibili ka ng Coney Island Ice Cream na hindi mo naman talaga gusto ang lasa. sa Tivoli ka pa rin! subalit gusto mo lang naman makuha ang bubble gum na nasa pinaka-ilalim ng plastic-shaped cone. 

 

 

 

AT: 2:30 na!!!! Ang TV na! "do-wa-di-di-di-dam-di-di-du!" lolz!  

iba na talaga ang pahahon ngayon... kabataan... tsk tsk tsk tsk ....

Posted by ardeepineda at 12:03 PM | 75 ang nagparamdam

November 27th, 2006

a broadcast & an entry

 

 
I don’t want to address you as my “reader”; for since day one, never was this a “reader-oriented blog”. And as I’ve said, I just blog to release shit… upon that note, I now call you “someone from far away who, by chance, got to visit and clicked on this URL”. But that’s a fucking lame name! So, hi there ‘passer by’! (Or ‘frequentee’ for that matter)

 
I’ll have my hands full for the next week or two. Since it’s already December, I need to finalize my papers and shit; the term is ending, and I’m about to graduate! (yey!
). I just would like to inform my ‘frequentees’ that I wont be able to visit your blogs for the next week or two. I won’t be able to update mine too.

 
With that said, just “Blog on!”

 

 
^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^

 
 

(!*!): o, anong problema? Bakit ganyan itsura mo?

(^&^): …

(!*!): akala ko ba tama na ang drama?

(^&^): wala akong sinabing tama na. ang sabi ko “pahinga muna”…

(!*!): ganun ba kabilis ang “pahinga” na tinutukoy mo?

(!*!): may drama ka nanaman ba?

(^&^): sabi ko naman, hindi naman mawawala sa’kin ‘yun.

(!*!): gusto mong pagusapan?

(^&^): …

(!*!): alam mo ‘pre, mas maganda kapag nailalabas. Parang tae lang ‘yan e! ang sarap ng feeling kapag nailabas mo na!

(^&^): kanino mo naman nakuha ‘yun?

(!*!): wag mong ibahin ang usapan! Hindi na importante ‘yun! O, anong meron sa’yo?

(^&^): masisisi mo ba ako?

(!*!): masisisi saan? Kung sakali mang tumakbo si Pacquiao sa darating na eleksyon? Siyempre naman hindi! Ungas ka ba?!

(^&^): ikaw ang ungas! Saan mo naman nakuha ‘yun?!

(!*!): dyok lang pare. ‘to naman oh, hindi mabiro. Joke joke joke. Sige. Hirit. Anong problema?

(^&^): hindi ko alam kung bakit sa “dinami-dami” ng mga babaeng dumating sa buhay ko, eto lang ang naiiba…

(^&^): hindi ako nakaramdam ng ganitong pagmamahal… ganitong sobra-sobrang pagmamahal. Tell me about true love pare… eto ‘yun!

(!*!): paano mo naman nasabi?

(^&^): tignan mo na lang ang mga pinagdaanan namin… ang mga sakripisyong nagawa ko… ang mga katangahan ko… ang sobrang pagiging martyr ko…

(!*!): kung sa bagay… may punto ka naman… kung alam lang nila…

(^&^): …

(!*!): mahal mo pa rin bro?

(^&^): hindi naman nawawala ‘yun… napakalaking impact ng taong ‘yun sa buhay ko. Hindi ako ganito ngayon kung hindi dahil sa kanya…

(^&^): kung baga, marami pa nga akong dapat ipag-pasalamat sakanya.

(!*!): pero dude, hindi yata talaga para sa’yo e…

(^&^): masakit mang aminin, pero alam ko ‘yun…

(!*!): o, e yun naman pala e. anong problema mo ngayon? Bitawan mo na tsong. Para ka lang naka-kapit nyan sa hangin e!

(^&^): pare ko’y, sabi ko naman sa inyo, “I never wanted someone so much.”…

(!*!): marami pang chika babes ‘jan pre!

(^&^): pareng dude, ilang beses ko bang uulitin sa’yo na hindi naman ako naghahabol ng ‘magagandang dilag’… simple at intellihente. Alam mong ‘yan naman ang hanap ko. Isang taong hindi maikakaila ang kagandahan ng panglabas na katauhan at ang kanyang kalooban…

(!*!): ire-reto kita pareng dude! Marami akong kilalang magaganda! Sexy pa! SEXY!!!! Parang si Alma Moreno!!

(^&^): napag-hahalata ata ang panahon mo ‘tol! At isa pa, hindi ko nga habol ang pisikal na kagandahan. Kung baga, bonus factor na lang ‘yun.

(^&^): magandang bobo – sexying tanga – itsurang model pero pangit ang kalooban. talo rin pare ko’y...

(!*!): SEXY talaga pare ko’y! malaki pa ang future!!!!

(^&^): ang ‘L’ mo talaga pare ko’y… kahit kailan, hindi ko habol ang ganyan.

(!*!): wuuuuuu….. stir! Ano ka, bading??!!

(^&^): gentleman lang ‘pre..

(!*!): pare ko’y, hindi na uso ‘yan ngayon! Go with the flow pare! Naka-ilan ka na ba?

(^&^): hindi ko ugali ang ganyan. Kaya hindi ako sumasama sa mga gimmick nyo

(!*!): sumama ka kasi sa’min kahit isang beses lang. meron akong alam. Marami. Magaganda na, mura pa!

(^&^): eto ang isa sa mga pinaka-ayaw ko. Ang mga nagbabayad para lang sa aliw. Grabe talaga kayong mangati. Para kayong mga hayop… hinding-hindi ako papatol sa mga ganyan pare ko’y…

(!*!): wala naman kasi akong gelpren pare ko’y… sinong magpapaligaya sa akin?

(^&^): wag na natin itong pagusapan. Ayaw ko lang talaga sa mga taong pumapatol sa ganyan.

(!*!): kanya-kanyang trip pare ko’y…

(^&^): siguro nga…

(!*!): o, balik tayo sa’yo. ano na?

(^&^): naiisip ko lang kasi siya…

(!*!): mahal mo nga kasi e…

(^&^): she’s the prettiest girl that I’ve ever met ‘pre. Napaka-ganda ng kalooban. Witty. At sadyang drop-dead gorgeous! Everything I wanted… and more!

(!*!): grabe naman pala ‘yang binibining ‘yan! Pwedeng pa-score sakanya? hehe

(^&^): e ‘tado ka pala e! umbagan kaya kita?!

(!*!): dyok lang ‘pre. Eto naman o… pinapa-ngiti lang kita e!

(^&^): …

(!*!): pero ‘tol, hindi nga para sa’yo. hayaan mo na. makakahanap ka rin ng panibago.

(^&^): sinabi ko rin kasi sakanya na, ayaw kong maging ‘kame’ kung hindi naman kami panghabang-buhay… dahil ayaw ko siyang masaktan na ako ang dahilan.

(!*!): grabe ka naman ‘pre! Forever agad ang nasa isip mo?!

(^&^): iba lang kasi siguro ako magmahal ‘pre… iba ang pananaw ko sa tinatawag nilang “pag-ibig”…

(^&^): ito’y higit pa sa pakikipag-talik gabi-gabi. Higit pa sa date. Higit pa sa kiss at hug. Ang pagmamahal para sa akin ay ang pagsasakripisyo. Ang pagsasakripisyo ng lahat para lang dun sa minamahal mo. At gagawin mo ang lahat, para lang sa ikabubuti nya; kahit kapalit nito ay ang kapaitan ng iyong tadhana.

(!*!): ang swerte naman ng chik na ‘yun!

(^&^): sana nga alam nya…

(!*!): I’m, sure naipadama mo naman sakanya yun ‘pre.

(^&^): oo, pero na-apreciate ba niya?

(!*!): e, ayan nga lang…

(^&^): madalas kong sinasabi sakanya, na siya ang pinaka-magandang babae sa buong mundo. At the end of each day, madalas ko siyang sinasabihan ng “(term of endearment) you looked hot kanina!”…

(^&^): na siya ang pinaka-mabangong babae sa buong mundo kahit pawis-pawis na siya. Na gusto ko siyang makita pagka-gising pa lang nya. Magulo ang buhok, mabaho ang hininga, hindi pa naliligo, amoy laway, at sabihing, “(term of endearment), grabe, you are indeed the prettiest girl in the world!”

(!*!): Gross man!

(^&^): walang stir pare.

(^&^): dahil siya talaga para sa akin, ang pinaka-magandang babae sa balat ng lupa. Siyempre sa ngayon, kapag nahanap ko na ang para sa akin talaga, sa malamang ay magiba ang statement na ‘yun.

(^&^): pero ‘pre, mahal ko talaga. Tama bang sabihin na “I want her” ?

(!*!): hindi naman kita talagang masisisi ‘pre. Iba talagang gayuma ang ginawa sa’yo nyang babaeng ‘yan!

(^&^): kitams! Sabi ko sau e, “can you blame me…?”

(!*!): oo na… ang swerte talaga ng taong ‘yun…

(!*!): eto na ang lalaking handang ibigay ang lahat para lang sakanya… subalit…

(^&^): *sigh*

(!*!): … ganyan lang talaga pare ko’y. alam kong marami kang natutunan sa karanasan na ‘yan. Kita mo nga’t iba ka na ngayon. She really brought out the best in you ‘tol.

(^&^): alam ko… kaya malaki talaga ang pasasalamat ko sakanya…

(!*!): move on ‘pre. Tama na yang drama mo.

(^&^): napakadaling sabihin; mahirap gawin.

(!*!): alam ko naman na kahit old-and-wrinkled na kayo, you’ll still be good friends.

(^&^): … I just miss her…

(!*!): I understand ‘pre…

(^&^): may bagong cd ako ni Katrina Halili, nood tayo sa bahay!

(!*!): TARA!!!!

(^&^): “hotness” talaga itong si Katrina noh?

(!*!): sinabi mo pa!!

 

 

Posted by ardeepineda at 02:33 PM | 77 ang nagparamdam

site powered by tabulas | Back to Top - Home - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links