kadramahan. kalokohan. kakulitan.

Entries for December, 2006

December 4th, 2006

'Ardeepineda', bakit ka masaya?

 

(Technically, I’m still on ‘blog leave’… ‘Still have a lot to do. I just want to release shit, and write about something)

 

 
            First and foremost, I would like to thank God for everything -- For every little thing that He has done for me. Hindi ko man na-realize noon, pero salamat sobra! Sabi na’t may maganda itong patutunguhan. It’s all about FAITH. Thank You so much!

 
            Napunta tayo sa topic ng ‘happiness’, but then, what is happiness? According to the thesaurus of MS word, happiness is synonymous to ‘contentment’; this means that you are satisfied; satisfied with what you have and with everything that is happening to you.

 
Satisfaction - this is what us human beings lack. We tend to crave for more. We tend to ask for more. We just can’t help it, its human nature. I understand, hey, I’m also human.

 
            Isa lang naman ‘yan, “wag kang maghanap ng wala”. Kapag sinunod mo ang kataga na ‘yan, makikita mo ang sinasabing ‘happiness’.

 
            Maligayang Pasko, ‘ardeepineda’! Merry Christmas indeed! Masaya ako dahil kumpleto ang pamilya ko. Masaya ako dahil nanjan parati ang Panginoon para sa akin. Masaya ako dahil hindi kame naghihirap. Masaya ako dahil hindi kame nasalanata ng bagyo. Masaya ako dahil kumpleto pa ang aking arms and limbs. Masaya ako dahil meron pa rin akong 5 senses. Masaya ako dahil walang may seryosong sakit sa pamilya. Masaya ako dahil ang daming pagkain sa bahay. Masaya ako dahil meron kaming maayos na bahay. Masaya ako dahil ang dami kong bagay na material, even though I’m really not materialistic (wait ‘till you see my phone. lol!). Masaya ako dahil makaka-tapos na ako ng kolehiyo sa napaka-agang panahon. Makakatulong na rin ako sa gobyerno, madadagdagan ko ang statistics sa porsyento ng “Unemployed” dito sa ‘Pinas. At masaya ako dahil meron akong mga kaibigan na naka-palibot sa akin (kasama na dito ang mga taong nakilala ko sa mundo ng blogging. Maraming salamat sa inyo!). Isa rin sa mga dahilan ang-trigger sa akin para magsulat at magpasalamat kahit busy ang sched ko ay ang ‘my labs’.

 
            Dear, I may not have ‘princesa’ in you anymore. You may not be ‘princesa’ anymore. I may not have a ‘princesa’ right now, but dear, I’m just happy that our paths crossed. Hindi ako mapapagod sa kasasabi na, “ikaw ang dahilan kung bakit ganito ako ngayon”. You made me what I am. You brought out the best in me, and I’m really thankful for that.

 
            Siguro naka-hanap na ako ng ‘closure’ sa sinabi mo sa akin nung huli tayong nagusap. Ang sarap ng pakiramdam na nalaman ko na na-apreciate mo pala lahat ng ginawa ko for you. Na thankful ka sa ‘thing’ natin. Na umamin ka na nagpaka-tanga ka, na sana, ipinaglaban mo kung ano mang meron tayo. That still, I stand out kasi may mga bagay na ako lang ang nakakapag-bigay sayo. Namiss mo eh! Hehe

 
            I just want you to know that that conversation really meant a lot to me. At tulad nga ng sabi mo, that made our shit stronger. I know that we’d be really really good friends ‘till we grow old. That we’ll tell our grandchildren stories about us when we were still young. We’ll still tickle each other’s funny bone even if we grow old and wrinkled. At hangang tumanda tayo, ganun pa rin ang hiritan natin. No one can take away the term ‘my labs’ from you. That’ll be yours, and no one can ever take that away.

 
            Dear, as I told you, I had no regrets, no hard-feelings, and no grudges whatsoever. Everything was for the better. It made us stronger; it made us better people inside out. Not to mention that that really strengthened our shit. Things happen for a reason. Hindi man natin na-realize yun noon, pero ngaun, nakikita na ang fruits ng ating sacrifices. A plant cannot shelter you from the rays of the scorching sun, but just be patient, and that plant will become a tree that could shelter you for eternity. Words cannot express how I feel my dear. I’m just grateful for everything! I found happiness, I found closure; guess now, I can really move on.

 
            I’m just really grateful, to God, and to you. I love you dear. And of course, as I always say, “you’ll always be a princess to me.”

 
Cheers to moving on!

 

At may sakit ka ha… kung sino-sino kasi kasma e. tsk tsk tsk tsk…. Hindi pa nagpaalam sakin! Lol! ‘Love you dear!

 

 

Posted by ardeepineda at 03:04 PM | 94 ang nagparamdam

December 13th, 2006

Dyingel bell

 

“Sa ma’y bahay ang aming bati.

meri krismas ang aming bati.

Ang pag-ibig ang aming bati.

Araw-araw ay pasko lagi.

Ang sanhi po, ng pamparito, hihingi po ng aguinaldo.

Kung sakali, namemerwisyo, pasensya na kayo kami’y namamasko….

 
We wish you a Merry Christmas (3x), and a happy new year. NAMAMASKO PO!!!!!!”

 
Ayan. Ayan ang isang sampol ng mga Christmas carols ng kabataan ngayon. “namamasko po, unplugged”. Mali mali na ang lyrics, at ginawang isang kanta ang “sa ma’y bahay” (ano bang titulo nun?) at ang “we wish you a Merry Christmas”. Lagi mong asahan na magkasunod lagi ang dalawang kantang ‘yan. At sa huli, ang “NAMAMASKO PO!!!!!!”

 
Hindi na ulit kakanta yung mga batang iyon. Dahil wala na silang ibang alam na kanta. Kukulitin ka na lang at magpipi-pindot na lang ng door bell nyo at sisigaw ng “NAMAMASKO PO!!!!!” parang obligado ka pa talaga na bigyan ng kung ano ang mga bata. Nasaan ang ‘spirit of Christmas’ doon? Akala ko ba ang pasko ay panahon ng bigayan? E bakit ang lakas manghingi ng mga batang nangangaroling? Magagalit pa sila at kung ano-ano pang sasabihin sa’yo kapag binigyan mo ng piso, e lima sila sa banda. Tsk tsk tsk tsk…

 
Kung mati-tyempuhan ka naman, eto ang maririnig mo:

 
“Jingle bell, jingle bell, jingle all ‘da way

ow as pa/ wit tis to ra/ in a wahos o and say/

HEY! Jingle bell, jingle bell, jingle all the way…

(hindi mo na maintindihan ang lyrics) HEY!”

 
“you better watch out, you better not fly,

you better not count I’m telling you why

Santa Clause is coming, to town…. HEY!”

 
Ayos talaga. Kung mas maswerte ka naman, mga batang nagf-flute ang mangangaroling sa bahay nyo. Dali-dali ka namang naghahanap ng lumang biskwit o mga bente-singko na pwedeng ibigay sa mga bata, para lang umalis sa gate nyo at wag nang marindi ang inyong aso. Mga bata talaga oh…

 
Parang mga politiko natin ngayon. Ang aga-aga pa lang, e nangangangaroling na. Con-ass my ass! Bakit nila masyadong iniintindi ang eleksyon? Mayo pa. wag muna silang mangampanya. Atupagin muna nila ang pagaayos ng kaguluhan sa ating bansa. May balak agad na tumakbo at mangurakot para sa susunod na taon, e hindi pa nga tapos ang taon na ito at ang kanilang termino. Wala na bang pondo na pwedeng kurakutin ngayon?

 
Sabi ng ating mga politiko, kaya daw nila gustong tumakbo para sa isang posisyon, dahil gusto nilang makatulong sa bansa. Makatulong ano? Ubusin ang pondo? Makatulong mangurakot? Hindi ba sila pwedeng tumulong sa bansa kapag wala sila sa posisyon? Oo, mahirap mangurakot kapag wala kang posisyon at kapangyarihan.

 
Isipin mo rin ito, sa eleksyon, kapag nangangampanya ang mga politiko, milyones ang ginagastos nila. Sa tingin mo, paano nila ito nababawi at bakit willing silang gumastos ng ganung kalaking halaga? Eh, hindi naman millyones ang sweldo ng mga nasa pwesto. Kahit sampung taon ka naninilbhan sa gobyerno at ganoon ang sweldo mo, you’ll never be a millionare (of course this is considering that you also spend your money. Cost of living nowadays is very high). Mas malaki pa tiyak ang sweldo nyo o nang mga magulang nyo keysa sa isang senador.

 
Hindi ako naniniwalang wala nang pagasa ang Pilipinas. Marami tayong mga natural resources, marami tayong mga likas na yaman. Tignan mo ang Singapore, wala sila nito. Dito pa lang, meron na tayong advantage. Kailangan lang ng mahusay na lider na marunong mag-maximize ng mga likas na yaman at marunong mag-manage ng bansa. May kurso ba na BS-Country Management? At maabilidad ang mga Pinoy. Kita mo nga’t ilang taon nang nangungurakot sa pwesto, hindi pa rin nakukulong.

 
Hay nako Pilipinas… hindi pa rin ako mawawalan ng pagasa para sa’yo!

Posted by ardeepineda at 08:40 PM | 98 ang nagparamdam

December 20th, 2006

pre-Christmas entry

As I've said before, never did I blog to impress anyone. This was never a reader-oriented blog. And as I always say, I just blog to release shit. But the past days, as I've been reading entries of bloggers, I got moved; Touched in a way. That I said to myself that I want to touch people's lives. I want to reach out to the people in need.


So in my half a year of blogging, this will be my first post that I want to dedicate to my 'frequentees' and passerby's. Share the Christmas spirit!


I've also been preoccupied the past days. I'll visit your pads when I get back from the "busy-spell" that I'm in.


Para sa mga taong malalamig ang pasko. SMP (Samahan ng Malalamig ang Pasko); sa tingin ko'y kasama rin ako dito. lol

 

 

Stop dwelling with the negative feeling

Fight the urge and continue loving

You may not have that special someone this evening

But just be thankful that you're still alive and breathing

 

There are a lot of things to be thankful for

There are a lot of blessings to be grateful for

It's Christmas season, don't ask for more

Next year I'm sure there'll be a lot more in store

 

Share the happiness, share the joy

Sing Christmas carols, buy a toy

Stop the grief, oh boy

If you won't, magmumuka kang unggoy

 

Here's a *hug* from me to you

Oh my dear, don't feel blue

Cheer up and bid adieu

To the negative feelings that surmount you

 

I know that He wouldn't let you down

So fix up that face and wipe out that frown

He's just preparing you for the year coming

He just wants you to continue loving


Now I know that I write lame poems if it isn't about 'princesa'. lol. i also think that this is lame because this isn't an entry written by emotions. i wanted to make something for the people. apparently, that is not my forte. lol. after this, i'll then continue writing my shit. haha! Merry Christmas!

Posted by ardeepineda at 03:32 PM | 72 ang nagparamdam

site powered by tabulas | Back to Top - Home - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links