kadramahan. kalokohan. kakulitan.

April 26th, 2007

nationalistiko dos

 

            Naitanong na rin sa wakas sa isang senator ang matagal nang tanong na bumabagabag sa aking isipan, “bakit gumagastos ang mga politiko ng daang milyong piso sa kampanya, para lang sa posisyong P30,000 isang bwan lang naman ang sweldo?”

 

            Tinanong si Sen. Miriam Defensor-Santiago ng ABS-CBN ng nasabing katanungan. At kanyang iminungkahi na, “dahil mababawi mo, may tubo ka pa!” Oo, dahil maliban sa P120 milyong pork barrel ng isang senador sakanyang anim na taon na termino, meron pa siyang nakukuhang “miscellaneous millions” buwan-buwan. At hindi pa diyan kasama ang sweldo ng isang senador na P30,000. At kapangyarihan.

 

            Congressmen at Senators lang ang may pork barrel. Subalit hindi pwedeng walang ‘lagay’ ang mga lokal na opisyal na nasasakupan ng mga nasabing senador at kongresista. Sa mga pondo pa lang ng mga estraktura, at mga kung ano-ano pang proyekto sa mga probinsya/siyudad, umaabot ng milyon ang ‘kick-back’ ng mga governors, mayors, na nahahati pa ito sa iba pang local public officials.

 

            Kung saka-sakali mang nabalitaan mo na may balak gawing siyudad ang inyong probinsya, humanda ka na. Dahil kapag ito’y natupad, mas malaki ang maipapataw na buwis sa mga taong nakatira dito. At sa pagtaas ng singil ng buwis, gayon din ang pagtaas ng “kita” ng mga tiwaling public officials.

 

            Wag kang magtataka kung may mga proyekto ng gobyernong hindi matapos-tapos sa mga lugar niyo. Dahil estratehiya ito ng tiwaling opisyal sa inyong lugar para taasan pa sa susunod na taon ang kanyang budget.

 

            Sa tipikal na sitwasyon, ang isang tao ay binibigyan ng budget para sa isang taon. Dito niya kinukuha ang gastusin para sa lahat. Gusto man nating maging ‘efficient’ at magtipid, hindi pwede. Bakit kamo? Dahil kapag hindi mo naubos ang budget mo ngayong taon, sa susunod na taon, mas mababa na ang makukuha mo. Dahil kaya mo naman palang mabuhay sa mas maliit na budget. You do the math/logic.

 

            Isipin mo, kung sinasabi ng ating mga politiko na “tumatakbo ako para makatulong sa bayan”, bakit kailangang magpatayan ng magkalabang panig para lang sa nasabing posisyon? Bakit hindi na lang sila magtulungan, total, parehong pagtulong naman sa bayan ang kanilang pakay?

 

            Bakit ganito ang politika sa Pilipinas? Kalian kaya magbabago ang ating mga politiko. At ang mga bagitong politiko, lagi na lang nagiging “TRAPO” (Traditional Politician). Kung sinasabing “role model” ang mga taong ito, bakit sila ang gumagawa ng katiwalian?

 

            Naniniwala naman ako na may mga taong “matitino” na nakaupo sa pwesto. Subalit panigurado’y mangilan-ilan lang ang mga ito. Marami at talamak pa rin ang mga taong umaabuso sa bansa na nakaupo sa pwesto.

Posted by ardeepineda at 06:32 PM | 50 ang nagparamdam

Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

blacksoul (guest)

Comment posted on November 24th, 2007 at 03:24 AM
kaya nga.sabagay malaki talaga kita jan

friend ko nga SK chairman lang nakapagpaayos na nang bahay eh

yun pa kaya

karen (guest)

Comment posted on November 1st, 2007 at 11:36 PM
haaaayyyy...sa tingin ko na isang himala ang kailangan para magbago sila...siguro kailangan na lang natin magbantay...yun na lang magagawa natin sa pulitika ng Pilipinas... :)

blog hop lang...add mo ako sa links mo ha :)

cheH (guest)

Comment posted on August 7th, 2007 at 05:05 AM
Hi ardee! Just tagged you I hope you can join us:)

iskoo (guest)

Comment posted on August 6th, 2007 at 08:16 PM
ay kaya naman pala di magkanda-ugaga sila sa pagtakbos sa pulitika, yun naman pala ang dahilan, tsk tsk tsk

anni (guest)

Comment posted on July 16th, 2007 at 03:14 PM
have a nice day ^^

Rachel (guest)

Comment posted on June 17th, 2007 at 09:20 AM
helo po. talaga astig ha sinabi nia yan. loka talaga. hehe anyway totoo naman lahat ng sinabi mo. kaya hindi nakakapagtaka ginagawa nila ang lahat para manalo sila.

lin (guest)

Comment posted on May 24th, 2007 at 11:49 AM
May araw din sila. Ako, kahit kailan di ko ginustong pumasok sa pulitika. Kasi kahit maganda intensiyon mo, kahit mabuti kang tao, masama at sugapa pa din ang tingin sayo ng nakararami.

Well, good luck na lang sa Pilipinas.

Honney (guest)

Comment posted on May 15th, 2007 at 01:00 AM
OMG, sinabi talaga yan ni Miriam? hahaha. kalowka ha. but anyway, totoo naman talaga yan. otherwise, those politicians won't spend even a single cent during the campaign if they won't get the profit of their investment once tehy get elected.

jamie (guest)

Comment posted on May 15th, 2007 at 12:23 AM
wow di ako aware na inuupdate mo pala ulit ito.. :D

anyhoo, i heard 100 ang paunang bayad sa mga botante, tapos 400 ang panghuling kabayaran kapag naboto na nila ang nasabing kandidato.. wow in filipino yan ha ;) nahawa na ako sa pagiging makata mo hehe

Nan (guest)

Comment posted on May 13th, 2007 at 11:15 PM
This made absolutely no sense to me but I hope you are doing well! Also I have a new url if you want to update the sidebar :)

senador obs (guest)

Comment posted on May 10th, 2007 at 02:31 PM
parang AM radio pre ah haha.

pero i couldn't agree less.

bwakenengeneng mga yan. pre-preho yan.

racky (guest)

Comment posted on May 9th, 2007 at 11:20 PM
limangdaan ang bayad sa bawat boto ngayon! kaya Pilipinas patawarin mo po sila!!!

THINZ (guest)

Comment posted on May 8th, 2007 at 11:57 AM
nagpaparamdam lang ako dito. lolz

cherry (guest)

Comment posted on May 4th, 2007 at 12:04 AM
wala na talagang iba pang magandang trabaho sa "pinas, kundi maging isang politiko...mas makapangyarihan na, mas malaki pa kick back...di kikitain ng isang basketbolistang sikat,mapa-mvp pa o ng isang batikang aktor o di kaya mang-aawit ang ganun kalaking halaga...dapat...lahat tyo maging pangarap tuparin ang pangarap ng iba, upang matupad natin ang ating mga pangarap!

alternati (guest)

Comment posted on May 2nd, 2007 at 02:03 AM
Nakakadepress nga ang political situation dito sa Pinas, pero hopeful ako lagi sa election na maeelect ang mga candidates na ang serbisyo sa bansa ang prioridad, at walang dayaan. Dahil sa oras na nakapasok na sila sa posisyon... Ala na.

AIsha (guest)

Comment posted on April 30th, 2007 at 09:51 AM
sa 22o lng d ko alam if im in a position to say such. kung may tubo nmn pla sila bkt hnd nila bayaran ang utang ng pilipinas. dba sweldo ay sweldo..but if they work for our country.. unting unting pag bayad ng utang mkkbawi nmn tyu dba lalng..

Shari (guest)

Comment posted on April 29th, 2007 at 09:34 PM
Something I've been asking myself and my friends since...forever...

Nakaka-frustrate. Sana gumising na LAHAT ng tao sa Pilipinas, di lang ng mga nakaupo sa pwesto, kundi pati na rin ang mga bumoboto.

chase (guest)

Comment posted on April 28th, 2007 at 09:01 PM
It is sad really if you think about it. It is difficult to combat corruption in the Phils. since even the people itself are accustomed to it everyday.
Comment posted on April 29th, 2007 at 09:03 PM
Touché

Pao (guest)

Comment posted on April 28th, 2007 at 04:42 PM
ah, heto pala ang part 2 ng nauna mong post.

nakakalungkot talaga ang talamak na korupsyon sa politika ng pinas. parang related ito sa post ko kasi kung tutuusin, kung kontrolado lang sana ang korupsyon sa bansa eh wala sanang mga kapwa natin na nagdadanas ng abuso mula sa mga foreign employers. di na nila kailangan umalis ng bansa para magtrabaho.

hay, kalungkot. :(
Comment posted on April 29th, 2007 at 09:02 PM
mababago pa natin ito!

ghee (guest)

Comment posted on April 28th, 2007 at 10:06 AM
nakakainis isipin ang katotohanan...
kaya ang malaking tanong ay kung may pag asa pa bang umunlad ang pilipinas dahil sa mga politikong gaya nila??
Comment posted on April 29th, 2007 at 09:02 PM
sagot: wala.

THINZ (guest)

Comment posted on April 28th, 2007 at 07:27 AM
hallu! nilagay po kita sa links ko huh?

tama ka nga.. .bat nga sila nagastos ng ganun kadami eh ang konti lang nman ng sahod nila dba?!
Comment posted on April 29th, 2007 at 09:01 PM
exactly my point

jologs jaja (guest)

Comment posted on April 27th, 2007 at 10:42 PM
hindi naman sa hindi marunong bumoto ang mga pinoy depende yan sa sitwasyon sa buhay ng bumuboto kung naghihikahos ka sa buhay at kelangan mo ng pera sa tingin mo ba iiral ang sinasabi nilang prinsipyo, reyalidad yan ng buhay likas ng gahaman ang tao.

hindi naman ung gobyerno or ung sistema natin ang problema kundi sa mga taong nagpapalakad nito. Hindi lang naman sa pinas grabe ang corruption sa ibang bansa meron din naman.

sa tingin nyo ba ang mga nagpapalakad lang ba ng bansa ang may kasalanan kung baket ang bagal ng progreso natin? Isang bansa tayo, at domino effect yan, wala naman corrupt kung walang magpapacorrupt.
Comment posted on April 29th, 2007 at 09:01 PM
sang-ayon ako.

iskoo (guest)

Comment posted on April 27th, 2007 at 08:16 PM
napanood ko rin yung expose ni mirriam, nakakalungkot. kelan kaya magkakaroon ng pagbabago ang pilipinas.
Comment posted on April 29th, 2007 at 09:00 PM
ayan din ang katanungan na nasa aking isipan...
Comment posted on April 27th, 2007 at 06:34 PM
why is it so easy for you, to make people suffer? - Sam milby
Comment posted on April 29th, 2007 at 09:00 PM
ay taena, kapag si Sam Milby ang tumakbong presidente.....

potpot (guest)

Comment posted on April 27th, 2007 at 06:23 PM
ganun pala un huh?
u mean pag naging senator ako , madami na kong magiging pera?? wow.. 30k a month plus miliong miliong pera..

eh mga g*go pala sila eeh.. tsk.. no wonder number2 tau or something s list ng most corrupted countries
Comment posted on April 29th, 2007 at 08:59 PM
oo potpot.

malaya (guest)

Comment posted on April 27th, 2007 at 12:13 PM
mahirap baguhin ang pulitika sa Pilipinas kung hindi talaga magkakaisa ang taumbayan.
onli in da pilipins ang ganitong klase ng mga pulitiko, kaya hindi umaasenso si Juan dela Cruz, mismong ang mga opisyal ang hindi magandang modelo.
Comment posted on April 29th, 2007 at 08:59 PM
nakakalungkot...

tina (guest)

Comment posted on April 27th, 2007 at 10:00 AM
im not supposed to judge other people and all that pero.. cant help it.

ung sa GO i dont like their advertisements.. kasi.. it is SOOO NEGATIVE. they are so intent on trying to... say a lot of things against the admin.

how in the world can they HELP US when their focus is purely against the ADMIN ? how can we expect respect from them if the y themselves cant respect the ADMIN ?

i am not for GLoria.. dami xang shortcomings.. but she's the head as of now.. we might as well give all the support we can dba? instead of trying to ruin each other?

Ive noticed positive naman ung advertisements ng TU. No degradation of the other party... kaya ok.. ung sa GO talaga... mapansin mo.. puro paninira kahit sa interviews.. soo nott good. :)

Meron namang matitino... pero tama ka.. maliit lng sila.. oh well.
Comment posted on April 29th, 2007 at 08:58 PM
mahusay na obserbasyon.

karmi (guest)

Comment posted on April 27th, 2007 at 09:15 AM
mukhang ramdam na ramdam mo na talaga ang eleksyon fever dyan ah.. hehehe.. magkasunod na post mo kasi tungkol dun..

anyways, oo, meron pa namang politician na di pineperahan ang bayan.. na tapat sa kanyang tungkulin.. un nga lang, nage-generalize kasi kapag sinasabing "politiko" - kurakot agad ang naiisip..

sana nga mabago ang tingin ng tao sa mga government officials.. kasi parang useless din ang eleksyons diba?
Comment posted on April 29th, 2007 at 08:57 PM
sana nga... subalit naniniwala pa rin ako na makakabangon pa rin tayo

monica (guest)

Comment posted on April 27th, 2007 at 08:25 AM
Tama nga naman. Maraming sakim sa gobyerno. Ang masama pa rito, sila yung mga sikat at kilala. Ang problema, sila lang ang kilala ng mga mamamayang Pilipino. Kaya yung mga mabubuting hindi ganon kasikat, hindi nila pinapansin. Kesyo echepwera lang daw sila. At merong mga marurunong na Pilipino na hindi bumoboto. Alam nila kung sino dapat iboto pero di sila bumoboto. Katamaran at kamangmangan. Tsk.
Comment posted on April 29th, 2007 at 08:57 PM
sangayon ako dito.
Comment posted on April 27th, 2007 at 07:55 AM
wala yatang kumakandidato para lang tulungan ang bayan...wala..wala...para sa sarili lang talaga...ginawa na lang nilang business ang pulitika...haaayyy..
Comment posted on April 29th, 2007 at 08:56 PM
meron naman ate... konti nga lang sila...

david.edward (guest)

Comment posted on April 26th, 2007 at 11:59 PM
tama nga naman.. hay.. so pano? ikaw na lang ang bumoto.. hindi naman ako registered voter eh.. hindi na rin naman bago ang mga iyan
Comment posted on April 29th, 2007 at 08:56 PM
sayang. dapat sinusulit mo ang karapatang bumoto

tin (guest)

Comment posted on April 26th, 2007 at 08:28 PM
di na bago ang katiwalian dito sa Pilipinas. Maraming nasisilaw sa pera.
Comment posted on April 29th, 2007 at 08:55 PM
as they say, "its the root of all evil"

pam (guest)

Comment posted on April 26th, 2007 at 07:28 PM
haha. ;-) ako, nagsisimula pa lang matuto. hehe.

anyway, tumpak nga naman. hindi ko napanood yung buo nyan sa correspondents pero nakita ko sa tv patrol. rawr.
Comment posted on April 29th, 2007 at 08:54 PM
hindi ko rin napanood yun sa correspondents... :(
Comment posted on April 26th, 2007 at 06:45 PM
basta galit ako kay manny pacquiao.
site powered by tabulas | Back to Top - Home - Gallery - Friends - Friends Of - Favorites - Content - Archives - Links